Advertisers

Advertisers

Big time tulak timbog sa P4.3m shabu

0 382

Advertisers

ARESTADO ang isang big time pusher ng mga tauhan ng Quezon City Police District sa isinagawang buy-bust operation sa nasabing lungsod nitong Linggo.

Kinilala ang nadakip na si Khalid Sana Guiabal, 36 anyos, residente ng #112 Don Victorino Ext., Don Antonio Heights, Brgy. Holy Spirit, Q.C.

Ayon kay Holy Spirit Police Station (PS 14) commander PLT Col Jeffrey Bilaro, kasama ang PNP-DEG SOU 5, RDEU 5, ikinasa ang drug operation 5:30 ng hapon sa Don Victorino Ext., Don Antonio Heights South, Brgy. Holy Spirit, Q.C.



Nakumpiska mula sa suspek ang P4,352.000.00 na halaga ng shabu, 2 cellular phone na gamit sa pakikipagtrasakyon ni Guibal sa kanyang mga parukyano, timbangan at buy-bust money.

Nakapiit na ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Boy Celario)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">