Advertisers

Advertisers

Chain smokers delikado sa malalang Covid-19

0 256

Advertisers

NAGPAALALA si Health Secretary Francisco Duque III sa publiko na malaki ang tiyansa na makitaan ng malalang sintomas ang mga smokers kung sakaling dapuan sila ng COVID-19.

Ang babala ay ginawa ni Duque kasunod ng pagdiriwang ng 2021 World No Tobacco Day (WNTD) na isinagawa sa pamamagitan ng isang symposium na ginanap noong Mayo 31 at may temang “Co-Op to Quit’.

Ayon kay Duque, ito ang lumabas sa mga isinagawang pag-aaral sa virus at mga nakitang ebidensiya dito.



Kasabay nito, sinabi rin ni Duque na may 110,000 Pinoy ang namamatay dahil sa sakit at kumplikasyon dahil sa paninigarilyo kaya’t pinayuhan niya ang publiko na umiwas na sa paninigarilyo.

“The DOH continues to develop and implement policies and programs to reduce the number of smokers in the country, one of which is the issuance of AO No. 2021-0031 or the Guidelines on the Implementation of Unified and Stabilized Tobacco Cessation Services at All Levels of Care,” pahayag pa ni Duque.



Ayon pa kay Duque, kailangan ng suporta mula sa national hanggang community level para makatulong sa mga naninigarilyo na ihinto na ang paninigarilyo. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">