Advertisers

Advertisers

‘PH-China talks sa joint exploration sa WPS tuloy sa kabila ng territorial dispute tension’

0 228

Advertisers

PATULOY na umuusad ang pag-uusap na may kinalaman sa joint exploration sa pagitan ng Pilipinas at ng China sa West Philippine sea.

Ito ang kinumpirma ni Energy Secretary Alfonso Cusi sa regular press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque.

Inihayag ni Cusi na sa katunayan ay may imbitasyon na silang inilabas para sa mga interesadong kumpanya na magtungo sa Pilipinas at mamuhunan sa exploration.



Apat na service contracts ayon sa Kalihim ang kasalukuyang pino- proseso na sa sandaling matapos ay dadalhin na sa Malakanyang para sa lagda ng Pangulo.

Hiwalay aniyang usapin ang anumang may kinalaman sa mga nagdaang isyu na may kaugnayan sa Chinese Coast Guard at mga mangingisdang Pinoy at hindi aniya nito apektado ang tungkol sa exploration. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">