Advertisers
NASAWI ang dating PBA import nang araruhin ng isang kotse ang kanilang bahay sa Memphis.
Kinilala ang nasawi na si Galen Young, 45 anyos, dating naglaro sa Alaska Aces at San Miguel Beermen.
Ayon sa report, nasa harapan ng computer si Young nang bigla na lamang siyang tumbukin ng isang sasakyan.
Hindi naman nasaktan ang kanyang ina na kasama nito sa loob ng bahay.
Nagbigay-pugay naman si Jimmy Alapag kay Young, na kanya pang nakausap bago ito pumanaw.
“We had just talked a couple months ago about coaching and the joy of being able to share the wisdom/experiences we’ve learned from our own careers,” ayon kay Alapag.