Advertisers

Advertisers

Senior citizens na magpapabakuna sa Bulacan may tig-P2,000 cash

0 201

Advertisers

MAKATATANGGAP ng tig-P2,000 na ayuda ang bawat rehistradong senior citizen na magpapabakuna sa Pandi, Bulacan bilang bahagi ng inilatag na “bakuna campaign” ng lokal na pamahalaan.

Ang nasabing kampanya ay inisyatibo ni Pandi Mayor Enrico “Rico” Roque na mabigyan ng P2,000 insentibo ang mga senior citizen na magpapabakuna laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Ang nasabing programa ay bunsod sa kagustuhan ni Mayor Roque na mabakunahan ang lahat ng rehistradong senior citizen upang maiwas sila sa nakakamatay na sakit.



Ang kabuuang bilang ng mga nakarehistrong senior citizen, ayon kay Mayor Roque, hanggang Hunyo 4 ay umabot sa 8,600 at meron nang 2,750 na nabakunahan. Ito’y aabot sana ng 30% sa loob ng 15 araw kung may sapat na bakuna at lahat ng seniors ay mababakunahan.

Ang mga nauna nang nabakunahan na mga senior­ citizen ay matatanggap ang kanilang insentibo sa pagpapaturok ng kanilang 2nd dose.



Ang P2,000 tulong pinansyal para sa bawat “fully vaccinated” na senior citizen ay nagmula sa lokal na pondo ng bayan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">