Advertisers

Advertisers

Mga pulis rumesponde sa sinunog na cell site, inambush

0 255

Advertisers

SUGATAN ang isang babaeng abogado nang tamaan ng mga bala ang minamanehong sasakyan sa Barangay Homapon, Legazpi City, Linggo ng umaga.

Ayon kay Kapitan Benhur Ariola ng Homapon, nadamay ang sasakyan ng abogada na ‘di muna pinangalanan nang tambangan ang kasalubong nitong police mobile ng hindi bababa sa sampung miyembro ng armadong grupo sa Sitio Tico Tico, Barangay Homapon, Legazpi City, 10:00 ng umaga nitong Linggo.

Sa ulat, pauwi na sa kanilang istasyon ang mga pulis matapos ang isinagawang imbestigasyon sa nasunog na cell site nang sila’y paulanan ng bala.



Nagkaroon ng palitan ng putok ang dalawang panig na tumagal ng higit 10 minuto. Wala namang nasaktan sa panig ng pamahalaan.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang hot-pursuit operations ng mga awtoridad.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">