Advertisers
KINUMPIRMA ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) spokesperson Major Helen Dela Cruz na meron na silang natanggap na mga tawag patungkol sa kinaroroonan ni Atong Ang matapos ang inilibas na 10 milyong pisong reward.
Sa pulong balitaan na ginanap sa Kampo Krame, sinabi ni Dela Cruz na bina-validate na ngayon ng ahensya ang mga impormasyong itinawag sa kanila, kungsaan ang tanging requirement ng ahensya ay ang SIM card na ginamit para sa nasabing binigay na impormasyon ng mga impormante.
Kaugnay nito, kinumpirma ng CIDG na naaresto narin ang isa pang dismissed na pulis na sangkot sa kaso ng missing sabungeros.
Sa kabuuan, 21 out of 22 na ang naaresto ng ahensya. Si Ang nalang ang pinaghahanap sa ngayon.
Patuloy ang ginagawang intelligence gathering ng ahensya sa paghahanap sa natitira pang akusado.
Naniniwala ang pulisya na hindi pa nakalalabas ng bansa si Ang, taliwas sa lumabas na ulat na Disyembre pa lu-mabas ng Pilipinas ang gambling tycoon.