Advertisers

Advertisers

Marian tutol sa pagpasok sa politics ng mister na si Dingdong

0 278

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NAGTATAKA ang insiders kung bakit pa raw lilipat ng network si Bea Alonzo samantalang mataas na pala ang TF nito sa kabila?

Hindi naman daw tinapatan ng GMA-7 ang TF ni Bea sa ABS-CBN.



Ayon sa sitsit, kung ano nga raw ang offer ng Kapuso ay ‘yun lang daw at no more, no less.

‘Yan daw ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring linaw kung magiging Kapuso pa ba si Bea.



Kaya naman ang nag-e-expect na matuloy pa ang pagsasama nina Alden Richards at Bea ay malabo pa raw.

Marami pa naman umaasam na followers na matuloy ang pagsasama nina Bea at Alden sa project. May ganun?



***

KUNG si Marian Rivera ang masusunod ay ayaw nito na mapasubo sa pulitika si Dingdong Dantes.

Umamin ang aktres na marami talagang  humihikayat sa mister para tumakbo bilang Senador.

True naman daw na carry ni Dingdong na maki-join sa  politics dahil matalino ang aktor. Pero si Marian nga raw ang tumututol na pasukin ni Dingdong ang politics.

Dahil alam nito na mas magulo o maintriga ang politics kumpara sa showbiz. Pero wala naman magagawa si Marian kung gusto rin maglingkod ng mister at matuloy ang pangungulit kay Dingdong na sumabak sa 2022 elecrions.

Kung gusto raw ng mister eh suportahan na lang ni Marian ang aktor.

Well, well, well…’Yun na!