Advertisers
TINATAYANG P25.8 milyong halaga ng nadiskubreng “fully grown” na mga puno ng marijuana ang binunot at sinunog sa isinagawang ‘Oplan High Time’ ng pulisya sa Tinglayan, Kalinga Province nitong Hunyo 11 at 12.
Natumbok ng mga awtoridad ang taniman ng mga marijuana matapos makatanggap ng intelligence report na may mga malalaking marijuana plantations sa tabi ng mga sapa sa bulubundukin ng Barangay Tulgao, Tinglayan.
Sa kabuuan, umabot sa 152,000 puno ng marijuana na nagkakahalaga ng P25.8 milyon ang nakuha ng mga operatiba ng PNP Drug Enforcement Group sa Cordillera Administrative Region (CAR).