Advertisers

Advertisers

Covid cases sa NCR bumaba ng 13 percent

0 401

Advertisers

PATULOY ang pagbaba ng mga naitatalang mga bagong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region o NCR, ayon sa OCTA Research Group nitong Miyerkules, Hunyo 16.

Sa pinakahuling ulat, sinabi ng grupo ng mga eksperto na ang National Capital Region (NCR) ay nakapagtala na lamang ng average na 829 kaso kada araw mula Hunyo 9 hanggang 15.

Ito ay pagbaba ng 13% mula sa nakalipas na linggo.



Katumbas anila ito ng average daily attack rate (ADAR) na 6 per 100,000, na naglalagay sa Metro Manila sa ilalim ng moderate risk classification.

Samantala, bumaba rin ang reproduction number sa NCR sa kahalintulad na panahon, na umaabot na lamang sa 0.69 at nasa 8% naman ang positivity rate.



Nasa 35% naman hospital bed occupancy sa capital region, 46% ang ICU bed occupancy, at 33% ang mechanical ventilator occupancy, na pawang sakop ng itinuturing na ‘safe levels.’

Idinagdag pa ng OCTA na lahat ng local government units (LGUs) sa Metro Manila ay klasipikado na ngayon bilang moderate risk.



Ang Navotas naman ang nakapagtala ng pinakamababang ADAR, na sinundan ng Marikina, Caloocan, at Malabon.

Samantala, ang Pateros naman ang nakapagtala ng pinakamababang average ng mga bagong kaso.

Ang Metro Manila, kasama ang Bulacan ay nasa ilalim pa rin ng general community quarantine “with some restrictions” simula nitong Hunyo 16 hanggang Hunyo 30, 2021. (Andi Garcia)