Advertisers

Advertisers

Misis umaming may ka-chat, kinatay ni mister

0 281

Advertisers

PATAY ang isang ginang nang ataduhin ng saksak ng kanyang live-in partner nang mahuli itong nakikipag-chat sa isang Chinese national sa Madaue city, Cebu, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Hazel Haynar, 41 anyos, habang nadakip naman ang sala-ring live-in partner na si Jun Villodo Manata, 51, kapwa nakatira sa Semense B, Barangay Tipolo, Subangdaku, Mandaue City .

Sa report ng Subangdaku Police Station, 1:00 ng mada-ling araw nang maganap ang krimen sa loob ng kuwarto ng mag-asawa.



Lumabas sa imbestigasyon na araw-araw nagtatalo ang mag-asawa dahil sa matinding selos ng lalaki sa hinalang may ibang lalaking kinalolokohan bukod pa sa mga ka-chat nito sa social media ang misis.

Inamin umano ng misis sa mister ang hinggil sa isang Chinese national na kanyang ka-chat, pero matagal na iyon at hindi naman sila nagkikita.



Dito, nagpanting ang tenga ng mister at sinaksak ng 15-pulgada na kutsilyo ang dibdib ng misis, naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Nadakip naman ng mga rumespondeng pulis si Manata.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">