Advertisers
MARIING tinutulan ni National Task Force against COVID-19 Spokesperson Restituto Padilla na gawing boluntaryo na lamang ang paggamit ng face shield.
Saad ni Padilla, masyado pang maaga para ibasura ang mandatory o obligadong paggamit ng face shield sa mga pampublikong lugar.
Kamakailan, sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Harry Roque na sang-ayon si Pangulong Rodrigo Duterte na sa ospital na lamang magsuot ng faceshield.
Hinimok naman ng Inter-Agency Task Force On Emerging Infectious Diseases (IATF) si Pangulong Duterte na irekumenda pa rin ang paggamit ng face shield sa mga enclosed spaces o mga kulob na lugar gaya ng mga pampublikong transportasyon.
Sa ngayon, inaasahan na ilabas bukas ang memorandum hinggil sa rekumendasyon ng pangulo sa paggamit ng face shield. (Josephine Patricio)