Advertisers

Advertisers

Dyoga ni Nene, nilamas ng matandang binata

0 1,013

Advertisers

ARESTADO ang 51-anyos na binata nang lamasin nito ang dibdib ng dalagitang natutulog sa kanyang bahay sa San Jose Del Monte (SJDM), Bulacan.

Kinilala ang suspek na si Rommel Cariaga, habang ang 13-anyos na biktima ay itinago sa pangalang “Ella”, Grade 7 student, at kapwa residente ng Barangay Gaya-Gaya.

Sa report ng SJDM police, nangyari ang insidente 3:00 ng madaling araw nitong Lunes, June 21, sa Towerville Phase C, Bgy. Gaya-gaya.



Ayon sa ulat, nagising ang dalagita nang maramdamang nilalamas ni Cariaga ang kanyang dibdib habang may nakatutok na kutsilyo sa kanyang mukha.

Sa sobrang takot ng biktima, nanginginig at napasigaw ito hanggang sa mataranta si Cariaga kaya nagawang tumakas.



Subali’t nagising ang lalaking kapatid ng biktima kaya hinabol niya si Cariaga na mabilis na tumakas at pumasok sa kanyang bahay.

Agad na nagsumbong sa barangay tanod ang kapatid ng biktima na rumesponde sa lugar kaya nahuli ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">