Advertisers

Advertisers

Grupo ng nurse umalma sa suhestyon ni Sec. Bello alisin ang board exam

0 245

Advertisers

SINOPLA ng Philippine Nurses Association (PNA) ang panukala ni Labor Secretary Silvestre Bello III na alisin na ang licensure examinations.

Ipinabatid ni Melbert Reyes, National President ng PNA na kaagad nilang sinopla maging ng board of nursing ang nasabing panukala ni Bello nang makipagpulong ito sa kanilang hanay kaugnay sa deployment ban sa health workers.

Katwiran ni Reyes na hindi puwedeng hindi sumalang sa board examination ang mga nursing graduate dahil buhay ang kanilang hinahawakan kaya’t kailangang matiyak na competent ang health professionals.



Binigyan-diin ni Reyes na maibaba ang kalidad at level ng mga nurse sa bansa kapag hindi magbo-board exam ang mga nursing graduates.

Giit ni Reyes na ang board exams ay magsisilbing check and balance para sa kalidad ng edukasyon sa gitna na rin ng mga aniya’y naglipanang fly by night schools. (Josephine Patricio)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">