Advertisers
ISANG inabandonang bag na naglalaman ng iligal na droga na nagkakahalaga ng halos P10 milyon ang nadiskubre ng mga awtoridad sa bus sa Davao City.
Nabatid na iniwan lamang ang nasabing bag sa isang bus na mula sa Davao del Norte at nabigyan ng pansin sa checkpoint ng Task Force Davao sa Lasang nitong lungsod.
Walang umaamin nang mag-inspeksyon ang pulisya at nakita ang laman ng bag na malalaking pakete ng shabu.
Kabilang din sa narekober ang mga maliliit na cellophane na posibleng gagamitin sa pag-repack nito.
Nasa kustodiya na ng pulisya shabu para masuri.