Advertisers

Advertisers

Magsasaka binaril-pinugutan ng ulo sa Samar!

0 207

Advertisers

TADTAD ng tama ng bala ng baril at wala ng ulo nang matagpuan ang bangkay ng isang magsasaka sa Gandara, Samar, Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Christopher Wahingon, 34 anyos, ng Barangay Francisco, Gandara.

Sa report ng Gandara Municipal Police Station, 5:00 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa may tabing ilog ilang metro ang layo sa tahanan nito.



Ayon sa report, patungo ang biktima sa kanilang sakahan nang harangin ng mga armadong lalaki saka pinagbabaril at pinugutan ng ulo.

Ayon sa misis ng biktima na si Evangeline, hinanap niya ang mister nang hindi makabalik nang umalis sa kanilang bahay ng umaga para magtungo sa kanilang sakahan.



Kinumpirma ni Evangeline ang bangkay ng mister kahit nawawala ang ulo nito.

Patuloy pa ang pag-iimbestiga ng pulisya sa karumal-dumal na krimen.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">