Advertisers

Advertisers

6 backhoe sinilaban ng NPA sa Surigao del Norte

0 457

Advertisers

BUTUAN CITY – Anim na backhoe ng isang construction company ang sinunog ng mga miyembro ng teroristang New People’s Army sa Claver, Surigao del Norte.

Nangyari ang panununog alas-12:00 ng tanghali ng Huwebes sa loob ng compound ng CAGA 3 Platinum Group Metals Corporation (PGMC) sa Sitio Kinalablaban, Barangay Cagdianao, Claver.

Sa mga nasunog na backhoe, apat sa mga ito ay pag-aari ng CKDI Contractor habang dalawa ang sa Queens Contractor.



Itinurong responsable nito ang tinatayang 20 tauhan ni alyas Ka Jacob ng Sandatahang Yunit Pampropaganda 16C GF16 na nag-o-operate sa Claver at iba pang bayan ng Surigao del Norte.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">