Advertisers

Advertisers

Andrea inamin, sobrang idol sina Maricel at Bea

0 219

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

TINANONG namin si Andrea Torres kung ano ang unang naging reaksyon niya noong nalaman niya na nasa GMA na rin si Bea Alonzo?

“Kilig, kinilig po ako,” bulalas ni Andrea.



“Kasi fan ako talaga, as in!

“After Maricel Soriano, dati nung bata ako, ang lagi kong pinapanood si Maricel Soriano, tapos nung dumating si Bea Alonzo, nadagdagan, naging Maricel Soriano at Bea Alonzo!



“Ewan ko parang same yung tingin ko sa kanila, yung diskarte nila sa pag-arte. Parang medyo may similarity.

“So idol ko silang pareho.”



Parehong nanggaling sa Kapamilya network na lumipat sa GMA sina Andrea at Bea.

Habang labingtatlong taon ng Kapuso si Andrea, si Bea naman ay kalilipat lamang sa GMA July ng taong kasalukuyan matapos ang dalawampung taon ng pagiging Kapamilya artist.

Nakatrabaho na ni Andea si Maricel noong nag-guest si Maricel sa Bubble Gang na sitcom ng GMA na mainstay si Andrea.

“Naalala ko, super-starstruck ako, kasi lahat ng audition ko ang ginagamit ko talaga yung sa Soltera.”

Nag-sample pa si Andrea ng ilang linya mula sa naturang pelikula nina Maricel, Claudine Barretto at Diether Ocampo na ipinalabas sa mga sinehan noong 1999.

At noon daw naging idolo niya si Bea ay mine-memorize na rin daw niya ang mga linya ni Bea sa mga pelikula nito.

“Sobrang fan nila ako talaga, nina Maricel at Bea.”

Hindi pa raw nakakatrabaho ni Andrea si Bea.

“Never pa po,as in never ko pa siyang nakita yata talaga in person.”

Napapanood si Andrea ngayon sa Legal Wives with Bianca Umali, Dennis Trillo at Alice Dixson.

***

TAMPOK sa The World Between Us si Tom Rodriguez bilang si Brian Libradilla, at sina Alden Richards bilang Louie Asuncion at Jasmine Curtis-Smith bilang Lia Libradilla.

At ayon kay Tom…

“At first glance, it may seem like mahirap maka-relate kay Brian. But as I read the script even more, one thing became so clear – that he’s a wounded person.

“Having been wounded myself in my life, maybe not to the same extent that he has, mas na-curious ako what makes him that way.

“I realized that he’s only hungry for love and affection,” dagdag pa ni Tom.

Ipinagmamalaki rin ng The World Between Us na nasa cast ang mga mahuhusay na dramatic actresses ng bansa na sina Ms. Dina Bonnevie bilang Rachel Libradilla at si Ms. Jaclyn Jose bilang Yachie Delgado.

Cast members din ng The World Between Us sina Sid Lucero bilang Eric Carlos; Kelley Day bilang Audrey Villacer; Yana Asistio bilang Jackie Carlos-Libradilla; Jericho Arceo bilang Edison Tomas; at Donn Boco bilang Pitoy Flores.

Nagkaroon ng espesyal na partisipasyon sa serye si Glydel Mercado bilang Clara Asuncion.

Ang The World Between Us ay sa direksyon ni Dominic Zapata at napapanood weeknights sa GMA  pagkatapos ng 24 Oras.