Advertisers

Advertisers

No franchise man ang TV Network… Cardo Dalisay palaban pa rin ang ‘FPJ’S Ang Probinsyano’ sa ratings

0 388

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin mapadapa sa ratings game ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ng mga nakakatapat na show sa kabila ng walang prangkisa ang ABS-CBN at napapanood lang si Cardo Dalisay o Coco Martin sa Kapamilya Channel, A2Z Channel 11, TV 5, iWant TFC etc.

Yes, ayon pa sa latest survey ng AGB Nielsen ay umaabot sa 10.6 percent hanggang 11.3% ang rating ng Ang Probinsyano at maging sa digital platform ng Kapamilya network ay nangunguna ang nasabing action drama series ni Coco na pumapalo sa 150K to 200K views daily.



Yes, mag-aanim na taon na sa ere ang FPJ’s Ang Probinsyano pero sa dahil marami sa ating mga Kapamilya ang tumututok dito araw-araw ay nananatili itong matatag at matibay. Meaning, mahal talaga ng masa si Coco kaya kahit winalis nila ang ABS-CBN2 ay todo pa rin ang suporta ng bayan kay Cardo Dalisay.

***



Ma’am Joyce Krull Na Fanatic Kay Bruno Mars, At Hubby At Partner Sa Midwest Driving School Na Si Sir Larry Nag-celebrate Ng 6th Anniversary

Disappointed ang isa sa “Ayuda Angels” namin sa aming solo Vlog (Chika Mo Vlog Kabog) na si Ma’am Joyce Krull na walang kaabog-abog ay biglang kinansela ang naka-schedule na concert ng idolo nitong si Bruno Mars na sa MGM Grand Garden Arena ang venue.



Imagine from Kansas USA ay bumiyahe pa sakay ng airplane si Ma’am Joyce patungong Las Vegas para mapanood lang ang concert ni Bruno kasama ng kanyang brother at sister in law tapos wala silang napala.

Naging malaking news sa Amerika ang kanselasyon ng concert na walang paliwanag ang producer. Wala pa namang paki si Ma’am Joyce sa sobrang mahal ng presyo ng ticket na ang kinuha ang magandang seat kaso ganoon nga ang nangyari.

Ayun, from MGM ay nag-transferred ang aming new found friend socialite businesswoman sa favorite nitong isa sa famous hotel in Vegas na Venetian Hotel. Samantala last July 16 ay cinelebrate ni Ma’am Joyce at ng hubby foreigner at partner in business na si Sir Larry Krull ang kanilang 6th Year Anniversary, na nag-date ang couple sa isang popular Pinoy resto sa Kansas. The said couple are the owners of oldest Driving School namely MIDWEST DRIVING SCHOOL located in Northeast Kansas and it’s doing very-very well. This is a partnership between Ma’am Joyce, a certified Pinay (Vice President and General Manager) and her foreigher hubby Sir Larry Krull (Pres/CEO).

MIDWEST DRIVING SCHOOL, serves Lawrence Manhattan, Kansan City and sorrounding areas with quality driver instruction, teaching the knowledge and skill needed to drive safety.

***

Dating OctoArts Dancer Na Si Allan Danao, Asensado Na Ang Buhay Sa Ireland

Dahil sa aming “Chika Mo, Vlog Kabog” na napapanood sa aming sariling channel na PPA Entertainment Network sa Youtube, ilang mga kababayan natin abroad ang aking nakikilala at ilan sa kanila ay kaibigan na namin. Like, itong si Allan Danao na very interesting ang kwento ng buhay na dating member ng dalawang kilalang dance group sa bansa na All-Male OctoArts Dancers at DANZ PROMO na madalas kong mapanood sa Eat Bulaga at iba pang TV variety show.

Taong 2000 hanggang 2004 ay naging career ni   Allan ang pagsasayaw hanggang noong 2009 ay nag-decide siyang mag-abroad at napadpad sa Ireland at nagkaroon agad ng trabaho bilang Health Care Assistant o Carer. Maganda ang sweldo nito at dahil breadwinner ay ipinapadala niya sa pamilya niya dito sa Pinas ang part of his earnings.

At para umasenso ay kinarir ni Allan ang maging event host at event organizer, choreographer, performer. Isa rin siyang active community leader at campaign volunteer ng mga migrants community at mga Filipino community sa Dublin, Ireland.

Infairness, andaming followers ni Allan sa kanyang social media account, at isa na siya sa matatawag na asensadong Pinoy sa abroad.