Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MAIHAHALINTULAD ang bagyong Fabian ngayong taon ang tagal nanalasa sa NCR at mga karatig lugar.
Mahigit isang linggo din ang pag-ulan dahil sa bagyong Fabian kasabay ng habagat kaya naman napakaraming ulan na dala ng bagyo.
Kaya naaalala naman ni Cristine Reyes ang nangyari sa kanila noon ng kanyang pamilya nung nasa Marikina pa sila.
Matagal din nanalasa ang bagyong Ondoy noong 2009. Dahilan naman para marating nila ang kanilang bubong.
Kita raw ng mga mata ni Cristine na unti-unting nilalamon ng tubig ang kanilang bahay.
Kaya hindi maalis ang takot niya kapag ganitong panahon ng tag-ulan at bagyo.
Inamin nito na sinusumpong siya ng anxiety kung ganitong mga bagyo at walang tigil ang ulan.
Pumasok na nga raw sa kaisipan niya pero dahil sa dasal kaya nakaligtas silang mag-anak.
Inalala rin ni Cristine ang pagsagip sa kanya ni Richard Gutierrez at grupo nito. Kahanga-hanga raw ang ginawa na ‘yun ni Richard sa kanyang pamilya na kahit sa kanya at grupo ay mapanganib pero di nag-dalawang isip na iligtas sila.
At ito nga raw ang never nitong malilimutan habang nabubuhay siya, lalo na nga raw ‘pag may bagyo.
***
MISMONG ang mga followers ng CocoJuls ang nag-a-update sa mga kaganapan sa ginagawang indie film nina Julia Montes at Coco Martin sa Pola, Mindoro.
Halos lahat ng galaw ng CocoJuls ay updated ang followers.
Kahit nga breaktime ng team na walang shooting ay talagang na ire-report pa sa socmed ng mga loyal followers ng CocoJuls.
Kahit ang pa-picture sa dalampasigan na may dalang buko ay naipost din at mahilig daw talaga sa coconut si Julia.
Dagdag sitsit pa ay si Julia nga raw ang inatasan ni Coco na magluto.
Healthy food naman ang niluluto ni Julia,gulay at isda ang binabanatan ng celebrity couple
Well, well, well…’Yun na!