Advertisers

Advertisers

Daddy nabuntis ang anak kulong

0 435

Advertisers

NADAKIP na ang magsasakang inakusahan ng “sexslave” sa kanyangmenor ded edad na anak sa Villalaida, Tuao, Cagayan.

Una rito, sinita ng mga nagpapatrulyang pulis si Reynaldo Nicolas, 46 anyos, habang nasa bukid na walang suot na facemask.

Sa report, sinabihan si Nicolas ng mga pulis na magsuot ng facemask ngunit imbes na tumalima, sinuway nito ang mga pulis dahilan para arestuhin ito.



At nang kapkapan ay nakuhasa pag-iingat ni Nicolas ang isang homemade caliber 5.56 na baril na may dalawang bala at isang plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Matatandaan na unang inireklamo si Nicolas sa pulisya dahil sa paulit-ulit na panghahalay sa 17- anyos na anak na itinago sa pangalang Lhea.

Sa report, anim na buwan na ngayon buntis si Lhea na produkto ng kababoyan ni Nicolas.

Maliban sa kasong kinakaharap na incestous rape ay naidagdag pa ang kasong isinampa sa kanya na paglabag sa R.A. 9165 o comprehensive Drugs Act of 2002 at RA 10951 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition. (Rey Velasco)