Advertisers

Advertisers

PULIS NA NANGINGIKIL SA APLIKANTE NG PULIS KULONG!

0 329

Advertisers

ARESTADO ang isang pulis nang mangikil sa mga aplikanteng nais magpulis.

Kinilala ni IMEG-Director, Police Brigadier General Flynn Dongbo ang inarestong pulis na si Master Sgt. Edmund Olavanio.

Inaresto si Olavanio sa tapat pa mismo ng Camp Crame sa Quezon City.



Nahuli ito sa entrapment operation sa Col. Boni Serrano Avenue, Barangay Bagong Lipunan, Quezon City Lunes ng gabi sa aktong tumanggap ng marked money sa complainant.

Base sa mga reklamo, ginagamit ni Olavanio ang kanyang pwesto sa Crime Laboratory Group para makapangikil. Nanghihingi ito ng P6,000 para sa mga aplikante sa pagka-pulis na gustong mapasama sa final list ng mga bagong pulis na manunumpa sa July 30, 2021.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng IMEG ang pulis at mahaharap sa kasong criminal at administratibo.

Sinabi ni Dongbo na inaalam na nila kung sino pa ang mga kasabwat ni Olavanio para masibak silang lahat sa PNP.(Mark Obleada)