Advertisers

Advertisers

Matteo bet nang mabuntis ang misis na si Sarah

0 199

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA simple at intimate birthday celebration ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo kamakailan, hindi napigilang tuksu-tuksuhin si Matteo Guidicelli ng kanilang mga piling kaibigan.

Sa ilang litrato na nakita sa Instagram, makikita ang celebrity couple na magkatabi sa isang round table kasama ang kanilang mga panauhin.



Bukod dito, may isang video ring ipinost ang isang nakasama nila sa birthday celebration ni Sarah na makikita ang pag-blow nito ng mga kandila sa kanyang cake.

At dito nga mauulinigan si Matteo na nagsasabing sana raw ang maging birthday wish ng kanyang misis ay ang magkaroon na ng anak.



Pagkatapos kantahan si Sarah ng “Happy Birthday” song at sabihang mag-wish muna bago hipan ang birthday candles ay agad nag-dialogue si Matteo ng, “Babies! Babies, ha? Happy birthday!”

Nauna rito, nag-post na rin si Matteo sa Instagram ng sweet message para sa kaarawan ng kanyang wifey. Dito, muli niyang ipinahayag ang kanyang labis na pagmamahal kay Sarah.



“Happy birthday my wife! Blessed to be beside a strong, beautiful, powerful, superwoman! Thank you for all the love. I love you forever,” mensahe ng aktor kay Sarah G.

Hirit ng kanilang mga faney at followers, sana raw ay magka-baby na ang showbiz couple dahil ito na lang ang kulang para makumpleto ang kanilang kaligayahan.

Dagdag pa ng mga ito, ang baby daw nila ang magsisilbi ring daan para tuluyan nang magkabati sina Matteo at ang biyenan nitong si Mommy Divine.

Ikinasal ang celebrity couple sa isang very private at intimate Christian ceremony noong Feb. 1, 2020 na naging kontrobersyal pa dahil sa pagsugod ng ina ni Sarah na si Mommy Divine sa venue.

Anim na taon muna silang naging magkarelasyon bago nagdesisyong magpakasal kahit nga tutol ang pamilya ng aktres.