Aljur ‘di pa handa magsalita sa hiwalayan kay Kylie; Lauren naadik sa online gaming dahil sa utol na si Megan
Advertisers
Ni WALLY PERALTA
MAGING noong unang napabalitang nagkahiwalay at nagkabalikan ang mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla ay nanatiling tahimik lang ang kampo ng aktor.
At ngayon nga natuluyan na ang hiwalayan nila ng misis ay pinanatili ni Aljur ang privacy ng away nilang mag asawa. May mga taong nadadamay na at ilan ay pawang naakusahan na third party pero ‘sorry’ lang ang tugon ni Aljur sa mga babaeng na-link sa hiwalayan nila.
“Alam kong marami kayong gustong itanong pero huwag muna ngayon dahil I’m not yet ready. In time po, masasagot ko rin yan. Alam kong concerned kayo sa akin. Pagdating ng panahon, maaayos din po lahat ng ito. Basta as of now, I choose to be happy with my career and even with my family,” say ni Aljur.
Hindi lang sa kanyang private life pinakita ni Aljur ang kanyang ‘tapang’ sa mga pangyayari maging sa kanyang karir ay tila magpapakita na rin ng tapang si Aljur sa mga sexy scenes. Tsikang lumaban din siya ng love scenes nila ng sexy star na si Cindy Miranda sa pelikulang ‘Nerisa” ng Viva Entertainment.
“Ginawa ko lang ang required sa amin as actors. Pero ako siempre, I tried to protect my leading lady bilang respeto sa kanya at sa pagkababae niya.
Nag-usap muna kami. I asked her how far would she be willing to go? Naging open kami sa isa’t isa,” say pa rin ni Aljur.
***
PAGKATAPOS halos ng mahigit na dalawang taon ay muling magbabalik sa sirkulasyon si Lauren Young. Kasama siya sa mini-series na “Never Say Goodbye” ng bagong Kapuso anthology na “Stories from the Heart.”
Makakasama ni Lauren ang nagbabalik din sa serye na si Jak Roberto, Klea Pineda, Snooky Serna, Max Eigenmann at iba pa.
Masayang binalita ni Lauren na ibang-iba raw ang kanyang role sa naturang mini serye.
“I think matutuwa ang audience in a sense na ‘yung ‘pag pinanood nila ako hindi siya ‘yung ine-expect nila. I’m vulnerable, I’m sensitive, I’m loving, and hindi naman ako ‘yung parang kontrabida, hindi rin ako pakontrabida. I’m a woman in pain,” ani Lauren.
Nitong pandemya ay natutunan daw ni Lauren na mag-online gaming sa paanyaya na rin ng kanyang ate Megan Young at asawa nitong si Mikael Daez. Nagsilbi raw family bonding nila ang paglalaro online.
“‘Yung gaming, I think ngayon lang siya nag-hit sa akin because noong pandemic nga, hindi ko nakikita si Megan, and this was our way na mag-bonding kami. So we would have like family games and doon kami nagha-hang out. And I decided to start streaming kasi in-encourage ako ng ate ko and ni Mikael,” ayon pa rin kay Lauren.