Advertisers

Advertisers

Andrea inamin, apektado sa mga tingin ni Dennis

0 260

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

ANG magkaibigan at magkasosyong sina Joshua Garcia at Enchong Dee ay parehong fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Ang brand na Pfizer ang bakuna na ginamit sa kanila.



Magkasosyo ang dalawang Kapamilya actors sa eskuwelahang binuksan nila kamakailan, ang Academy Of Rock.

Bukod sa pagkanta at pagsayaw ay may classes din o pag-aaral ng musical instruments ang Academy Of Rock na matatagpuan sa #19 Scout Borromeo, South Triangle, Quezon, City.



Matagal na silang magkaibigan at ayon kay Joshua…

“Pero mas naging malapit kami nung nagte-taping ng ASAP kasi buong araw kaming magkakasama.”



Mainstay ng ASAP Natin ‘To sina Joshua at Enchong.

Gaano ka-safe ang Academy Of Rock?

Lahat daw ng empleyado nila ay bakunado at gumagamit daw sila ng materyales na patented sa Singapore (kung saan nag-originate ang Academy of Rock) tulad ng sahig nila na yari sa bamco na bamboo/charcoal  flooring material dahil ang uling ay nag-a-absorb ng odor.

At higit sa lahat ay istrikto raw na sinusunod nila ang health and safety protocol  laban sa pandemya, at ang one-one-one class na one teacher-one student policy nila.

“Meron silang sariling room kaya wala silang dapat ika-worry.”

Sa kanila namang recording studio, isang tao lamang ang nasa studio habang ang engineer ay nasa kabilang kuwarto.

Hiningan namin ng mensahe si Joshua para sa mga taong ayaw o takot magpabakuna.

“Ah huwag layong matakot kasi eventually lahat tayo magiging vaccinated din.

“Para alam mo yun, di ba makikita mo sa States ngayon lahat sila hindi na nagma-mask, so huwag kayong matakot.

“Huwag kayong matakot, okay lang yun,” nakangiting pahayag pa ni Joshua.

***

AT ang Kapuso namang si Alden Richards ay bakunado na rin.

Sa Instagram post ni Alden nitong Sabado ng larawan niya na may plaster sa braso habang nasa vaccination site, hinikayat nito ang publiko na magpabakuna na rin.

Ayon pa sa caption sa larawan ng male lead star ng The World Between Us…

““By choosing to be vaccinated, I can protect not only myself and my family, but also my community. Tulong-tulong po tayo.

“Please take the vaccine made available to you when given the chance so that we can reach herd immunity — which will act as a barrier for everyone against the virus.”

Hindi binanggit ni Alden kung ano ang brand ng vaccine na itinurok sa kanya.

Ang iba pang Kapuso celebrities na nagpabakuna na rin ay ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes at ang host ng Eat Well, Live Well. Stay Well. na si Iya Villania at mister nitong si Drew Arellano.

***

PURO papuri ang nasabi ni Andrea Torres tungkol sa Legal Wives leading man na si Dennis Trillo.

“Sobrang simpleng tao po pala niya, wala talagang kayabang-yabang sa katawan.

“Doon ako na-impress sa kanya. Tapos never siyang nagalit, never siyang nakasimangot.

“Sobrang gaan lang niyang kasama.

“Pati sa mga eksena po, kapag siya ang kaeksena ko, hindi ko kailangan mag-prepare kasi pag nagtinginan na kami naapektuhan na ako sa kanya.

“Very generous siya na actor,” pahayag pa ni Andrea na gumaganap bilang si Diane San Luis sa Legal Wives.

Gumaganap naman na naturang GMA teleserye si Dennis bilang si Ismael Makadatu.