Advertisers

Advertisers

2 WEEKS LOCKDOWN SA METRO MANILA?

0 467

Advertisers

HINIMOK ng Octa Research Group ang pamahalaan na kaagad magpatupad ng dalawang linggong lockdown sa Metro Manila kasunod ng tumataas na kaso ng covid cases.

Ayon kay Prof. Guido David, kasalukuyang nasa early stage ng panibagong covid surge ang Metro Manila matapos makapagtala ng 7,186 new cases nitong July 27.

Aniya, kailangan kaagad magpatupad ng circuit breaker upang makontrol ang paglobo ng covid cases na dulot ng Delta vatiant.



Paliwanag pa ni David, nasa 1.33% ang reproduction rate sa Metro Manila at hindi ito bumababa, na indikasyon ng mabilis na pagkalat ng infection.

Gayunman, ayon sa Department of Health (DOH), walang datos at ebidensya upang magpatupad ng hard lockdown bagama’t aminado na nasa 19% ang growth rate sa Metro Manila sa nakalipas na dalawang linggo.



Ayon kay DOH Spokesman Ma. Rosario Vergeire, nanatiling nasa “moderate risk” ang mga ospital sa Metro Manila.

Kaugnay nito, nagsagawa ng pagpupulong ngayong araw ang Metro Manila Council para pag-usapan ang posibilidad ng pagsasagawa muli ng dalawang linggong lockdown para mapigilan ang hawaan ng Delta variant ng COVID-19.



Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, susundin nila ang anumang maaring rekomendasyon ng Department of Health (DOH) at Inter Agency Task Force (IATF) kung kailangan pa ng lockdown. (Jonah Mallari/Andi Garcia/Josephine Patricio)