Advertisers

Advertisers

MAYOR SA CAVITE INAKUSAHAN NG ‘RAPE’

0 7,129

Advertisers

PORMAL na nagreklamo ng kasong ‘Rape’ ang isang menor de edad na babae laban sa isang mayor sa lalawigan ng Cavite sa Mandaluyong City Prosecutors Office.

Nanginginig pa sa takot na inakusahan ng paglabag sa Republic Act 8353 na may kaugnayan sa R.A. 7610 o kasong Rape at Child Abuse ang dalagitang itinago sa pangalang “Lovie” kay Mandaluyong Assistant City Prosecutor Glaiza L. Tulagan laban kay Cavite City Mayor Bernardo “Totie” Paredes, 78 anyos, ng Trece Martires Street, Samonte Park, Cavite City.

Sa sinumpaang salaysay ng biktima, unang naganap ang panghahalay sa kanya ng mayor noong 2017 nang siya ay 14 taon gulang pa lamang sa isang motel sa Mandaluyong.



Noon paman, aniya, madalas na siyang sabihan ni Mayor Paredes na bibilhan nito ng house and lot ang kanyang mga magulang gustuhin lamang siya nito.

Pero pilit umanong umiiwas ang biktima at sinasabing hindi sila talo.



Hanggang noong Disyembre 28, 2017 ay pinadampot umano ni Mayor Paredes ang kanyang ina dahil sa kasong “estafa” sa isang litsonan.

Dahil dito, lumapit umano sa tanggapan ng mayor ang biktima upang humingi ng tulong na mapasamahan siya sa bahay ng kanyang tiyahin na mayor naman ng isang lungsod sa Metro Manila upang makahingi ng pampiyansa.



Sa halip umano na mag-utos sa drayber ay nagpresinta si Mayor Paredes na siya na ang maghahatid sa biktima sa tiyahin nitong mayor dahil kaibigan nya ito.

Habang daan, sinabi umano ni Paredes sa biktima na hindi nila kailangang puntahan pa ang tiyahin ng biktima dahil sya mismo ay kaya niyang palayain ang kanyang ina sa kondisyong magiging magkasintahan sila.

Isinalaysay pa ng biktima na kung anu-anong kahalayan na ang lumalabas sa bibig ng mayor habang sila ay nasa daan at bigla umano nitong ipinasok sa isang motel ang sasakyan at doon siya pinagsamantalahan ng mayor kapalit ng pagpapalaya sa kanyang inang nakakulong.

Isinalaysay din ng biktima na kung anu-anong kahalayan ang pinag-gagawa sa kanya ni Mayor Paredes sa loob ng motel.

Walong beses pa umano syang pinagsamantalahan ng mayor dahil sa pananakot na kung hindi siya papayag ay muling ipapakulong ang kanyang ina.

At nang hindi niya matagalan ang pang-aabuso ni Mayor Paredes ay pilit niya na itong iniiwasan at tinataguan, pero ang kanyang amain naman ang ipinakulong nito sa kasong illegal possession of illegal drugs.

Inamin ng biktima na naglakas-loob lamang siyang isiwalat ang lahat nang magtulong-tulong ang kanilang mga kamag-anak para mapiyansahan ang kanyang amain at makalipat sila ng tirahan.

Samantala, umaani ng maraming suporta mula sa mga militanteng grupo ng mga kababaihan at samahan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang biktima dahil sa patuloy na pagbabanta ni Mayor Paredes sa biktima at sa pamilya nito.

Sa panayam kay Mayor Paredes, itinanggi niya ang akusasyon at sinabi niya na isa lamang itong maruming laro ng pulitika.

Hindi rin nya aniya matandaan kung nakaharap na niya ang biktima dahil maraming humihingi sa kanya ng tulong.