Advertisers

Advertisers

Motornapper galing korte tumalon sa tulay: basag ang bungo, lasog ang katawan

0 369

Advertisers

CAGAYAN – Lasog ang buong katawan ng isang suspek sa motornapping nang tumalon umano ito sa tulay mula sa sasakyan ng pulisya pagkagaling sa korte sa Solana dito sa lalawigan.

Kinilala ang nasawi na si Jaymar Lagoc, 27 anyos, ng Piggatan, Alcala, na basag ang bungo at nagkalasog-lasog ang katawan nang tumalon umano na may posas ang mga kamay sa Buntun Bridge sa Maddarulug, Solana bandang 5:00 ng hapon ng Lunes.

Bago ang insidente, galing ang akusado sa inquest proceeding dahil sa mga kinakaharap na kasong carnapping, pag-iingat ng baril, balisong at marijuana.



Nahuli si Lagoc sa Barangay Maguirig sa Solana nang ireklamo ng isang lalaki ng motornapping at natunton ito sa kanyang pag-iingat. (Rey Velasco)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">