Advertisers
APRUBADO kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa plano ng mga Metro Manila mayors na pagpapataw ng parusa sa mga booster shot violators.
Sa isang mensahe na ipinadala ni Sec. Año sa mga reporters sa Camp Crame sinabi nito na suportado nito ang mungkahi ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos na panagutin ang mga booster shot violators.
Ayon kay Año, mga selfish persons ang mga indibidwal na nagpapabakuna ng kanilang ikatlong vaccine shots dahil hindi na nabibigyan ng pagkakataon ang iba pa nating mga kababayan na mabakunahan.
Inihayag ng kalihim na kaniya ng inatasan si Philippine National Police (PNP) chief Guillermo Eleazar na imbestigahan ang insidenteng vaccine hopping at makipag-ugnayan sa local government units kaugnay sa nasabing insidente.
Sa Quezon City, dalawang fully vaccinated persons ang kinasuhan for violating an ordinance prohibiting Covid-19 vaccination fraud matapos makakuha ng booster shots gamit ang mga government-provided vaccines.
Sa kabilang dako, inihayag naman ni Sec. Año na hindi pa nila napapag-usapan ang posibleng pagpapalawig sa enhanced community quarantine sa Metro Manila.
Sa ngayon kasi, hindi pa nagbibigay ng go signal ang National Task Force (NTF) Against Covid-19 para makakuha ng booster vaccine shots. (Josephine Patricio)