Advertisers

Advertisers

16K new cases kada araw posible – OCTA Research

0 454

Advertisers

NAGBABALA ang Octa Research Group na posibleng umabot ng labing anim na libo kada araw ang mga bagong kaso ng covid-19 sa buong bansa dahil patuloy ang pagtaas ng reproduction rate.

Ayon kay Prof. Guido David, sa ngayon ay nasa 1.5 ang reproduction rate sa buong bansa.

Paliwanag ni David, mula Agosto 8-14 ay nasa 1.46 ang reproduction rate sa bansa kung saan umabot ng 11,000 ang daily cases, at sa kasalukuyang 1.5  na RR ay tiyak na aabot  ito ng humigit kumulang 16,000 daily cases.



Nitong Linggo ay nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 14,749 new cases.

“Unfortunately, puwede pa talagang tumaas ‘yan, depende kung anong mangyayari between now and next week,” ani Prof. David.



Samantala, sa Metro Manila ay bumaba ng bahagya ang RR na posibleng epekto ng ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ). (Jonah Mallari)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">