Advertisers

Advertisers

Mandatory evacuation ng mga Pinoy sa Afghanistan ipinag-utos ng DFA

0 308

Advertisers

DAHIL sa karahasan at banta ng seguridad, nasa 32 Pinoy ang nakatakdang mapauwi mula sa Kabul, Afghanistan.

Sa abiso ngayong araw ng Department of Foreign Affairs (DFA), nakikipag-coordinate na sila sa gobyerno at sa international community para magarantiya ang kaligtasan ng agarang pag-uwi ng mga ito sa Pilipinas.

Nabatid, na kamakalawa ng gabi ay 32 Pinoy ang inilikas at ngayon ay nasa Doha para maghintay sa kanilang flight pauwi ng Pilipinas.



Bukod dito, 19 pang grupo ng Pinoy ay inihahanda na para kaagad na makaalis sa nabanggit na lugar.

Nabatid na nag-isyu ang DFA ng alert level 4 sa buong Afghanistan para sa mga Pinoy doon bunsod ng karahasan at hindi magandang sitwasyon ng seguridad.



Nanawagan ang ahensiya sa mga Pinoy na nasa Afghanistan na sumama na sa repatriation at kung kinakailangan ay kaagad na makipag-ugnayan ang mga ito sa Philippine Embassy sa Pakistan o sa OFWHelp  para kaagad na matulungan ang mga ito.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ilalabas ng Afghanistan ang mga Pilipinong naiipit sa sitwasyon doon sa pamamagitan ng chartered flights.



Sa ngayon 26 sa 34 na key cities ng Afghanistan ang napasok na ng Taliban fighters kasunod nang pag-atras ng mga tropa ng America doon. (Lordeth B. Bonilla)