Advertisers

Advertisers

Drug den sa Pasig City sinalakay: 8 ‘adik’ timbog

0 267

Advertisers

SINALAKAY ng pulisya ang isang bahay na ginagamit na drug den sa Pasig City nitong Martes ng madaling araw. Arestado ang walong “adik” na sina Camilo Abadillo Retaga, Carlito Consensuno Rivera, Jeffrey Atienza Rivera, Bernard Puyawan Sanchez, Darwon Apawan Lagao, Domingo Auren Duazo, Carmen Corsales Lacuesta at Amy Blanco Peruda. Sa ulat ng Pasig City Police, may concerned citizen ang nagsumbong na may nagsasagawa ng pot session sa mayVilla Patukod Street, Nagpayong 1, Barangay Pinagbuhatan. Kaya dali-daling nagsagawa ng raid ang mga operatiba 12:30 ng madaling araw. Naaktuhan ng mga pulis ang ilang adik na nagpa-pot session at ang iba ay nagbebentahan ng shabu.