Advertisers

Advertisers

ESPERON TIWALANG MADIDISQUALIFY ANG GABRIELA

0 245

Advertisers

MALAKI ang tiwala ni National Security Adviser at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Vice Chairman Hermogenes Esperon, Jr. na tatanggalin ng Commission on Elections (Comelec) ang Gabriela Partylist sa listahan ng mga kandidato sa halalan ng susunod na taon, dahil tumatanggap ito ng pondo galing sa ibang bansa na isang paglabag sa Saligang Batas.

Sa lingguhang ‘virtual’ na balitaan ng NTF-ELCAC nitong Lunes, sinabi ni Esperon na kakatapos niya lang humarap sa pagdinig hinggil sa kanilang petisyon ng kanselasyon ng pagkarehistro ng Gabriela Women’s Party (GWP) at ng General Assembly of Women and Reforms (GAWR) bilang partylist.

“My task is done in the Comelec. Other witnesses will be called,” ang pahayag ni Esperon, na idinagdag pa, na mga opisyal muli ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang tatawagin at tatayo bilang testigo na magpapatunay ang Gabriela ay tumanggap ng pera galing sa ibang bansa.



Aniya, pabibilisin ng Comelec ang paglalabas ng resolusyon nito dahil nalalapit na ang pagpaparehistro ng mga tatakbo bilang partylist sa susunod na taon.

Dagdag pa ng kalihim na magiging pabor sa kanila ang ilalabas na resolusyon ng Comelec dahil na rin sa punto na ang mismong Solicitor General ay ang kanilang abogado.



Sa petisyon ng NTF-ELCAC, nilabag ng Gabriela ang Section 2, Paragraph 5, Article 9 (C) ng Philippine Constitution sa pagtanggap ng pinansiyal na tulong sa mga banyagang pamahalaan at non-government organizations (NGOs). Ang mga partidong politikal gaya ng Gabriela na makagagawa ng ganito ay maaaring tanggalin ng Comelec.

Nilabag din ng Gabriela ang Rule 32, Section 8 (D) ng Comelec Rules of Procedure na nagaatas na ang pagtanggap ng mga banyagang pondo ay isang dahilan ng pagkakansela ng pagkakarehistro ng isang partido.



Sinabi n Esperon na isang opisyal na ng AMLC ang tumistigo at nagsabi sa Comelec na ang Gabriela ay tumanggap ng pondo di lamang sa Belgian government kundi maging sa Viva Salud VZW, isang Belgian NGO at sa iba pang European group.

“Viva Salud from Belgium sent P1.8 M in March 2019. Yung tinanggap sa Viva kitang-kita sa Mazars,” ang tukoy ni Esperon sa Mazars na isang international accounting firm na kinontrata ng gobyerno ng Belgium upang suriin ang mga programa ng Viva Salud.

Isa pang natuklasan ng AMLC ayon kay Esperon ay pondong nagkakahalaga ng mahigit isang milyong piso hanggang dalawang milyon (P1-P2M) mula sa INTL FCstone Ltd. ng London mula September 2015 hanggang March 2019.

“Mazars report pointed out that Gabriela received funds together with the Ibon Foundation and Karapatan,” ang sabi pa ni Esperon.

Sa panahon daw na iyon, ang partylist representative na si Emerenciana de Jesus na siya ring chairperson ng Gabriela, Inc. noong 2013-2015, ay nakapagbigay ng P930,000 sa Gabriela para sa 2019 national at local elections.

Ang mga ito raw ay katibayan na, na ang Gabriela Inc, GWP, at GAWR ay magkakaugnay dahil na rin sa iisa at pare-parehong address ang kanilang ginagamit sa pagtanggap ng pondong nabanggit ayon na rin AMLC . Patunay raw ito na pinaiikot lamang ng Gabriela Partylist ang Saligang Batas at ang Comelec.

Pagpapatanggal sa Kabataan Partylist

Samantala, iniulat naman n Lawyer Marlon Bosantog, taga-pagsalita ng NTF-ELCAC sa larangan ng Legal Affairs at IP Concerns, na mayroon na silang siyam ( 9) na witnesses sa kanilang petistyon na kanselahin din ang pagkakarehistro ng Kabataan Partylist.

Ang kanila raw petisyon laban sa Kabataan Partylist ay sumisentro sa pagkakatatag ng grupo na gawa ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), na pangunahing pakay ay mapasok ang “legislative bureaucracy” ng pamahalaan.

Sinabi ni Bosantog na ang mga testigo ng NTF-ELCAC ay mga mismong nanggaling sa Kabataan Partylist mula ng ito ay itinatag at makakapagsabi kung paano ginagawang NPA ang mga kabataang narerecruit ng grupo.