Advertisers

Advertisers

Mensahe ng Pangulo sa buwan ng IHL

0 253

Advertisers

INTERNATIONAL Humanitarian Law (IHL) Day nitong August 12 at buong buwan ng Agosto ay talagang ginugunita o ipinagdiriwang ang pagkakagawa ng batas, na halos lahat ng bansa sa buong mundo ay tumatalima at sumasangayon sa mga isinasaad nito.

Ngayong taon, isa sa mga nagbigay ng mensahae ay si Pangulong Rodigo Roa Duterte, na ang sabi, sa kabila ng halos dalawang taon, na ang bansa ay nasa pamamalagi sa pandemiya dahil sa Covid-19, naka-focus pa rin tayo sa pagtalima sa IHL upang patunayan na ang ating bansa ay talagang gumagalang sa karapatang pangtao.

Dahil nga may temang “Upholding the Law of Armed Conflict Amidst the Covid-19 Pandemic: Protecting Humanity for Healing and Recovery” ang pagoobserba sa araw ng IHL, para kay Pangulong Duterte ay ipaalam din sa buong mundo na ang kanyang Administrasyon ay walang ibang hangarin kundi proteksiyunan ang lahat ng Filipino sa nakamamatay na virus na Covid-19.



Mula sa pagpapatupad ng mga community quarantine, testing, at paano gamutin ang nahawaan ng virus, hanggang sa pamamahagi ng ayuda at pagbabakuna, ay ginagawa na raw ng pamahalaan upang maibsan lang ang paghihirap at takot ng kanyang mga kababayan dahil sa pandemiya.

Ang Sandatahang Lakas o Armed Forces of the Philippines (AFP) na tagapagtanggol sa mga mamamayan sa oras ng anumang mga pag-atake ay kanya na rin katuwang sa pagbibigay ng proteksiyon sa mga Filipino laban sa Covid-19. Dalawang libong military doctors, nurses at medical staff ay ipinakalat sa 250 treatment o pasilidad ng mga quarantine sa buong bansa, sa loob at labas man ng mga kampo militar. Ito ay sinuportahan pa ng mga ‘paramilitary personnel at mga resevist kasama ang Philippine National Police.



Magkakasamang naghahatid ng tulong, gamot, at maging mismong kababayang sibilyan sa kani-kanilang mga lugar, kaagapay na din ang pribadong sektor, upang mailigtas lang sa virus. Ito raw ay patunay na ang AFP ay talagang pinahahalagahan ang bawat buhay. Ito rin daw ang binibigyan diin at halaga ng IHL, na siya namang ipinakikita ng AFP.

Ibang-iba raw ito, ang sabi ni Pangulong Duterte, sa mga ipinakikita ng mga kaaway ng AFP sa bansa. Imbes na iiwas ang mga sibilyan sa mga kaguluhan ay sinasamantala pa ng mga kaaway ng lipunan ang mga pagkakataon upang atakihin ang AFP kasama at nadadamay ang mga walang kinalamang mga sibilyan.



Patuloy na pumapatay ng mga kawal at inosenteng sibilyan at sumusuway sa mga inaatas ng IHL. Hinaharang at inaambus ang mga tropa ng pamahalaan na kasama ang mga health workers at mga sibilyang nagtutulong-tulong lamang para makapaghatid ng gamot, bakuna at iba pang pangangailangan ng ating mga kababayan.

“Indeed, local terrorism is itself a plague that worsen the pandemic we face,” ang nasabi na lang ng Pangulo sa kanyang mensahe na ibinahagi ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Talaga namang mga salot ang mga teroristang-komunista na yan. Mga walang pakundangan sa hinaharap nating pandemiya. Di baleng makapatay ng inosenteng sibilyan at mga kawal, maisulong lang ang maling idelohiyang pinaniniwalaan na di naman mapagtagumapayan sa maraming taon nang nagdaan.

Walang kwenta sa kanila ang karapatang pangtao. Kailangan na nating samahan ang Pangulong Duterte sa paglipon ng mga halang ang bitukang komunistang-terorista.