Advertisers

Advertisers

SC order sinusuwag ng prosecutors?

0 7,720

Advertisers

SINUSUWAG nga ba ng mga PROSECUTOR mula sa DEPARTMENT OF JUSTICE (DOJ) ang inilabas na kautusan ng SUPREME COURT (SC) na ang lahat ng usaping DENGVAXIA CASE ay ihahain lamang sa itinalagang FAMILY COURT ng QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT?

Ito ang BIG QUESTION sa mga sumusubaybay sa kontrobersiyal na DENGVAXIA CASE dahil nitong mga nakaraang buwan ay sa mga METROPOLITAN TRIAL COURT (MTC) nagsampa ng kaso ang DOJ PROSECUTORS gayong may SC ORDER, na ang usapin sa naturang kaso ay tanging ang QCRTC FAMILY COURT lamang ang manghahawak.

Ang SC ay nag-atas sa QCRTC na i-raffle ang mga kaso ng DENGVAXIA na isinampa sa iba’t ibang munisipyo o MTCs sa isang solong sangay para ang QC FAMILY COURT lamang ang magtutuon para sa mga pagdinig.



Nasabi nga kamakailan ni PUBLIC ATTORNEYS OFFICE (PAO) CHIEF ATTY. PERSIDA ACOSTA na DINI-DELAY ang pag-usad ng kaso dahil sa hinde pagsunod sa inilabas na SC ORDER na walang ibang hukumang manghahawak kundi ang QCRTC FAMILY COURT lamang.

Sa pananaw ng ARYA ay dapat mayroong MONITORING TEAM ang SC patungkol sa DENGVAXIA CASE na ang mga PROSECUTOR na hinde tatalima sa SC ORDER ay dapat na pinapatawan ng SANCTIONS.., sa gayon ay hinde mapagkakaitan ang mga naghahangad ng hustisya.



“JUSTICE DELAYED, JUSTICE DENIED” na dapat ay huwag umiral ang ganitong hokus-pokus dahil ang mga magulang ng mga batang nangamatay sa isinagawang NATIONAL DENGVAXIA VACCINATION 2016 ay naghuhumiyaw hanggang ngayon sa paghinge ng katarungan, dahil sa kawalang-ingat ng mga opisyal na naglunsad ng pagbabakuna sa mga batang mag-aaral.

Noong December 11, 2020 ay 157 crimInal case ang isinampa sa DOJ na ang first batch ng criminal cases na pinagsamasama sa QCRTC Branch 107 ang naitakda na sa September 20, 2021 alas-2:00 ng hapon ang ARRAIGNMENT ng mga akusadong sina ILOILO REP. JANETTE GARIN, DOCTORS JULIUS LECCIONES, MARIA ROSARIO CAPEDENG, KENNETH HARTIGAN CO, MS. MELODY ZAMUDIO at MR. CARLITO REALUYO.., at PRE-TRIAL naman sa ibang mga akusado na sina DOCTORS VICENTE BELIZARIO, GERARDO BAYUGO, IRMA ASUNCION, MARIA JOYCE DUCUSIN, ROSALIND VIANZON, MARIO BAQUILOD, SOCORRO LUPISAN at MS. MARIA LOURDES SANTIAGO. Ang PRELIMINARY CONFERENCE para sa PRE-MARKING OF EXHIBITS ay itinakda naman sa September 15, 2021 alas-9:00 ng umaga.



Nitong June 29, 2021 ay may 56 civil cases ang naisampa sa QCRTC, na 52 sa mga ito ay napagsamasama na sa RTC Branch 226 at ang 4 ay nananatiling nasa RTC Branches 76, 87, 104 at 221.., na dapat ay ang Branch 226 na lamang ang hahawak base sa SC ORDER!

Gayundin, ang SC ay inatasan ang BRANCH CLERKS OF COURT ng CALOOCAN CITY RTC, BATAAN RTC at MUNTINLUPA CITY RTC na ipasa ng mga ito ang mga DENGVAXIA RECORD civil case sa QCRTC.., e tumalima na kaya ang mga inatasan ng SC? Eto ang aabangan at susubaybayan ng ARYA sa kung ano ang kahihinatnan ng kontrobersiyang kaso…, kung may hustisya nga bang makakamit ang mga nagdadalamhating pami-pamilya ng mga batang dumanas ng MALA-TORTYUR na kamatayan mula sa DENGVAXIA VACCINATIONS, dahil sa kawalang-ingat na paglulunsad ng GOVERNMENT OFFICIALS!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.