Advertisers

Advertisers

Pabrika nasunog sa Valenzuela: sekyu patay, 1 grabe

0 306

Advertisers

NASAWI ang isang security guard at isa pa ang sugatan sa sunog sa isang pabrika ng plastic sa Valenzuela City, nitong Martes ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si Joselito Pelic, security guard; habang sugatan si Nestor Purtisano na nagtamo ng 2nd degree burns at isinugod sa pagamutan.

Base sa Bureau of Fire Protection (BFP)-Valenzuela, nagsimula ang sunog sa Barangay Paso de Blas 4:41 ng madaling araw.



Anim na minuto lamang ang nakalipas ay itinaas na ng BFP ang ikatlong alarma sa 10-bahagdang sistema dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy na ikinatupok ng Gilvan Packaging Corporation at Stronghand Inc.

Napag-alamang may nakaimbak na solvent sa Gilvan na gumagawa ng packaging materials, at ayon sa mga residente may narinig silang pagsabog sa kasagsagan ng sunog.



Naapula ang apoy 6:23 ng umaga. (Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">