Advertisers

Advertisers

Aswang nahuli-cam sa Iloilo

0 487

Advertisers

ILANG residente sa Pavia, Iloilo ang natatakot para sa kanilang kaligtasan dahil sa “aswang” na nahuli-cam sa magkaibang lugar.

Ikinuwento ni Aling Marilou, gabi noon at naghuhugas siya ng pinggan sa labas ng kanilang bahay nang lumapit sa kaniyang likuran ang pinaniniwalaang aswang.

Kasunod nito, nagpatuloy sa paglakad ang lumapit sa kaniya. Pero bigla itong bumalik at tila pagapang na lalapit sa kaniya. Mapula aniya at nanlilisik ang mga mata nito at nakatayo ang mga buhok.



Pero nagpakatatag daw si Aling Marilou at sinabihan ang aswang na sasabuyan niya ito ng tubig. Bigla raw nawala ang aswang.

Giit ni Aling Marilou, aswang talaga ang nakita niya at posibleng ang buntis na apo niya ang pakay.



Para patunayan na totoo ang kaniyang sinasabi, pinanood niya ang CCTV ng kapitbahay at doon nakita na totoo ang kuwento niya tungkol sa paghuhugas ng pinggan at may lumapit sa kanyang likuran.

Gayunpaman, hindi nakita sa video ang sinasabing hitsura ng aswang dahil natatakpan ito ng bakod.



Ngunit hindi lang isang pagkakataon na nangyari na mayroon umanong aswang na nahuli-cam sa CCTV.

Sa isa pang lugar, makikita ang isang tila nilalang na parang unggoy o palaka maglakad na biglang naglaho.

Gayunman, lumilitaw sa imbestigasyon ng mga awtoridad na walang katotohanan sa haka-hakang aswang.