Advertisers

Advertisers

2 pamilya nagrambol sa masamang titig

0 300

Advertisers

NAUWI sa saksakan ang dating sigalot ng dalawang pamilya nang magkakatitigan ang mga ito sa San Jose Del Monte (SJDM), Bulacan.

Kinilala ang biktima sa pangalang “Mang Angel”, 46; habang naaresto ang salarin na si “Mang Temy”; kapwa residente ng Barangay Kaypian.

Sa report, nangyari ang insidente 4:30 ng hapon, Linggo, August 15, sa Brgy. Kaypian.



Ayon sa ulat, habang dumadaan si Temy ay natitigan nito ng masama ang biktima.

Dahil dito, nagkaroon ng komosyon ang dalawa hanggang sa umawat na ang kapatid ng biktimang si Linda.



Sa kasagsagan ng komosyon, tinitirador naman ng anak ni Temy ang anak ni Linda at ang kanyang nakababatang kapatid na nasa lugar.

Dahil dito, lalong nagalit ang biktima na kumuha ng kitchen knife sa loob ng bahay at tinugis ang nanirador subali’t naunahan siyang saksakin ni Temy.



Tinamaan din si Angel sa kaliwang tiyan na isinugod sa ospital habang naaresto ng mga rumespondeng pulis at tanod ang salarin.

Nahaharap sa kasong Frustrated Homicide si Mang Temy.