Advertisers

Advertisers

SI SBG ANG ‘LITTLE-BIG PRESIDENT’

0 533

Advertisers

ANG kilalang ‘little president ay maari nang maging big chief executive ng bansa kung iaadya ng tadhana.

Kapag kwalipikasyon ng pagiging isang Pangulo ang hahanapin ng bawat Pilipino,wala nang hihigit pa kay Senator Christopher Lawrence ‘Bong Go. Alam nang lahat na si SBG ay ang kanang kamay ni President Rodrigo Duterte mula pa noong alkalde siya ng Davao City kaya ang bansag kay Go noon ay ‘Little Mayor”.

Nang mahalal na Pangulo ng bansa si PDigong ay ‘matic na naging special assistant si SAP Bong Go at maging hanggang naging Senador siya ay di pa rin niya iniwan si PDu30, Kaya halos ay siya na bilang ‘Little President ang nakakaalam ng lahat ng likaw ng pagiging isang Pangulo mula sa mga desisyong pang-masa, pakikipag-ugnayang panlabas, diplomatiko, paglutas ng krisis kalamidad man o pandemya, kapayapaan , edukasyon, labor kalusugan, komunikasyon, kultura, sining, SPORTS at iba pang aspeto ng liderato nasyunal para sa kapakanan ng Sambayanang Pilipino ay naroon ang kanyang presensiya. Bago lalagda ang Pangulo ng isang mahalagang dokumento na binasa na niya ay dadaan muna ito sa scrutiny ni SAP at siya rin ang nagpapasya kung sino dapat makaharap ng Chief Executive sa Palasyo pati na ang buong iteneraryo. Dahil dito ay si SBG ang pinaka- kwalipikado bilang Punong Ehekutibo ng bansa.



Ang pagiging Pangulo ay hindi pinaplano at iginuguhit. Tadhana ang may pasiya.SBG’s destiny is imminent…sa 2022.

REKLAMO VS KAPITANA NG TONDO



Magandang umaga sa isang lider- barangay diyan sa Tondo na isang Kapitana.

May mga konsernadong constituents nito ang nagpaabot ng reklamo sa korner na ito kaugnay nang di daw patas na pakikitungo niya sa kanyang ka-barangay partikular sa mga usapin at problemang pang-komunidad. Mayroon anila siyang mga pinapaboran kahit lihis o baluktot pero may pinag-iinitan o dinededma kahit na sa mga lehitimong isyu ang idinudulog.No show umano siya kapag pinuntahan ng mga di niya type na ka-barangay.



Ayon sa sumbong, kinukunsinte nito ang mga iligalista sa tubig at kuryente ( lalo pag kasangga at kaopisyal)dahil halos lahat ng kalye sa nasasakupan niya ay may mga JUMPER na isang maliwanag na pagnanakaw sa tungki ng kanyang ilong.May mga taniman pa umano ng ebidensiya kapag di niya type o kalaban ang nabarangay.

Seryosong sumbong ito na dapat sagutin ng MASINOP (kaya?)na tserwoman pero di makita PAGHANAPIN. Dapat Gng Kapitana ay WAGAS at pantay ang iyong paglilingkod sa nasasakupan diyan sa Tondo. Sadyang maikli ang termino sa isang mabuting lider pero mahabang dusa sa masamang pinuno.

Para ke Chairwoman Yunowhuyuar, bukas ang pitak na ito para sa inyong panig… ABANGAN!

Lowcut:Shoutout sa mga Tondeñas ng Bgy.31, may ayuda na ba kayo?Para sa reaksiyon:09199845253