Advertisers

Advertisers

Iba pang celebs suportado ang KUMU program Joey Albert binigyan ng tribute ng ‘The Rocks and Rozz Show’

0 495

Advertisers

UNTI-unti nang nakikilala ng KUMU supporters and viewers ang The Rocks and Rozz Show (TRARS) ng mahusay na singer na si Rozz Daniels tuwing Huwebes at Sabado, 10 ng umaga hanggang ala-1 ng hapon.

Hindi naman kasi matatawaran ang husay sa pagkanta ni Rozz at ng kanyang co-hosts na sina Irelyn Arana, Analyn Torregosa, Jerome Sangalang, Harold Jess Evangelista at Derf Dwayne.

Sa ilang buwang pagsasaere sa KUMU, ilang celebrities at artists na rin naman ang naging guests ng TRARS gaya nina Ms. Ivy Violan, Ms. Beverly Salviejo, Melissa Gibbs, Ayegee Paredes, at Ms. Joey Albert.



Sumilip na rin at bumati si TRARS sina Ms. Pinky de Leon at Concert King Martin Nivera.

Sa guesting ni Joey last Saturday, hindi siya nakakanta kaya bilang tribute sa kanya ay inawitan na lang siya ng host-singers ng TRARS ng ilan sa mga pinasikat niyang awitin.



Super happy ang mga host dahil matapos silang kumanta, isa-isang nagbigay ng komento si Joey sa kanila.

Kinanta ni Harold ang Ikaw Lang ang Mamahalin na napabilib talaga si Ms. Albert sa ibang rendition na ginawa ng una. Sey nga ng OPM Legend: “Ang ganda. Nakakakilig when someone sings your song. It feels very rewarding.”



Reaksyon naman ni Harold, “Jusq mommy (Rozz) haha ang pawis ko kahit nakatutok ang fan hahaha. Nanginig ako.”

Nang kantahin naman ni Jerome ang sikat na Tell Me, sabi ni Joey, “That’s the perfect way to sing it, very tender and soft” na siyempre naman nagpasaya nang todo sa Pambansang Oppa ng KUMU.

Sobra ring napahanga si Joey sa pagkanta ng It’s Over Now ni Derf na ika nga nito, nahirapan siya dahil wala siyang makitang male version pero nairaos niya nang bongga at napapalakpak din sa kanya ang OPM Icon.

Napabilib din nina Rozz (I Remember The Boy), Irelyn (Iisa Pa Lamang), at Analyn (Without You) si Joey na hindi nagpakabog sa guys kaya hindi talaga makalilimutan ng lahat ang araw na ‘yon.

Salamat din siyempre kina Ms. Beverly at Ayegee sa napakahusay na pag-awit nila kaya super special talaga ang Saturday edition ng TRARS.

Sa Sept. 17 ay ang magaling na balladeer namang si Richard Reynoso ng Paminsan-Minsan ang magiging panauhin ng The Rocks and Rozz Show kaya abangan n’yo ‘yan. (Blessie K. Cirera)