Advertisers

Advertisers

Irelyn Arana natupad na ang wish sa 1st single na ‘Nagiisa’

0 402

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

UNTI-unti nang natutupad ang pangarap na maging sikat na recording artist ni Irelyn Arana mula nang magkakilala sila ng OPM Icon na si Ivy Violan ngayong taon.

Naging coach/mentor niya si Ivy at ngayon ay composer ng 1st single niyang pinamagatang Nagiisa na swak sa malamyos niyang tinig.



“The song Nagiisa is about a person who’s happy living alone but later on  found the love of her life and this made her complete as a person. Ayon sa kantang ito pwede tayong maging masaya meron man o wala tayong katuwang sa buhay. This song was arranged by Rannie Raymundo,” say ni Irelyn.

Sa tulong na rin ni Ivy ay naging BahayNiOne artist si Irelyn at ‘pag nailabas na ang Nagiisa ay official Viva Records artist na siya.



Samantala, talagang hilig ni Irelyn ang pagkanta. Nagsimula siyang mag-perform sa kanilang school programs at sumali sa mga singing contests nung high school.

Tsika ni Irelyn, pansamantala siyang huminto sa pag-awit para magpokus sa kanyang nursing degree at magpunta ng US para magtrabaho bilang nurse at masuportahan ang kanyang pamilya dito sa Pinas.



Pero dahil mahal ang singing, nung 2015 ay bumalik siya sa pagkanta at sumali sa gobal Pinoy singing idol na isa siya sa mga grand finalists sa USA.

Taong 2016 naman nang sumali si Irelyn sa World Championships of Performing Arts or WCOPA at nanalo ng 2 medals para sa pop at world music at naging isa sa mga semifinalists.

Dahil diyan ay nabuksan ang mga oportunidad kay Irelyn para makapagtanghal sa iba’t ibang events sa Chicago.

Sa kasalukuyan, lumalabas si Irelyn sa KUMU show na The Rocks and Rozz Show kasama sina Rozz Daniels, Analyn Torregosa, Jerome Sangalang, Harold Jess Evangelista, Derf Dwayne at ang inyong lingkod. Tuwing Huwebes at Sabado ito, alas-10 ng umaga hanggang 1 pm.

Nagge-guest na rin si Irelyn sa iba’t ibang programa sa KUMU, Facebook, Youtube at iba pa at kalaunan ay asahan na rin ang shows niya sa iba’t iba pang lugar.