Advertisers
Ni JOVI LLOZA
FOR sure bago pa pumasok si Angel Locsin sa buhay ng mister na si Neil Arce ay inihanda na nito ang sarili sa pagiging stepmom.
Knows naman nito na may isang anak na teenager na ang kanyang mister. At siyenpre kung sino ang mahal ni Neil ay mahal din ni Angel.
Na-meet na nga raw ni Angel ang binatilyo ni Neil at puring-puri ito ng aktres.
Napakabait nga raw bata at ultimo ang ex ni Neil na nanay ng kanyang anak ay na meet na rin ni Angel.
Mabait at super kalog nga raw ito gaya ng anak nila ni Neil. Siyempre, tanong naman ng netizens kung handa na ba si Angel na maging madrasta at ano ba ang gusto nitong itawag sa kanya.
Okey naman kay Angel kahit Tita ang itawag sa kanya ng stepson.
Nagpaplano na rin sila gumawa ng baby ng mister na 1 or 2 lang.
Atat na nga raw ang tatay ni Angel na bigyan na siya ng apo ng anak dahil 94 na ito at gusto na niyang makita ang magiging apo sa aktres.
***
KUNG dati ang puna at napansin ng kanilang followers sa socmed ng couple ay makikita ang larawan na magkakasama sina LJ Reyes, Aki at Summer.
Takang taka ang netizens na followers ni Pao kung bakit picture na lang nila ni Summer ang nakikita.
Tila tinanggal na nito ang larawan ni LJ at anak nito kay Paulo Avelino na si Aki.
Napaisip ang netizens kung bakit ini-unfollow ni Paolo si LJ.
Samantala, patuloy naman na naka follow si LJ sa ama ng kanyang anak na si Summer.
Naghinala tuloy ang netizens na baka nga raw nagkahiwalay na ang dalawa dahil zero follow na ang nakalagay kay Pao.
True kaya na split na ang dalawa na pareho pa namang tahimik ang kampo nina Pao at LJ regarding sa kanilang relasyon na puna mismo ng kanilang followers dahil sa unfollow ni Pao kay LJ.
Well, well, well…’Yun na!