Advertisers

Advertisers

Hepe, jailguard sibak sa nakatakas na 3 preso sa Cavite

0 420

Advertisers

Kawit, Cavite – Sinibak na sa puwesto ang hepe ng Kawit Municipal Police Station na si Major. Joel Celestino Palmares, at ang duty jail officer na si SSgt. Ryan De Guzman nang matakasan ng tatlong bilanggo Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga nakatakas na detainees na sina Tristan Antonio,19 anyos, may kasong Theft; at Rhino Ortega, 27, kasong carnapping; at Jon-Jon Cortezanoportes, 22, kasong droga.

Nagsasagawa ng inspeksyon sa naturang pasilidad si SSgt. De Guzman 6:30 ng umaga ng Lunes nang madiskubre nito ang sirang padlock ng kulungan. At nadiskubreng nawawala ang tatlong mga nabanggit na preso.



Ayon kay Calabarzon Regional Director, General Eliseo Cruz, ang pagsibak kina Maj. Palmares at SSgt. De Guzman ay bahagi ng kanilang guide lines para hindi makaapekto sa isinasagawang imbestigasyon.

Hinihikayat ni Gen. Cruz ang publiko na agad i-report pag may alam sa kinaroroonan ng mga nakatakas. (Koi Laura)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">