Advertisers
ANG babaeng naiulat na ilang araw nang nawawala ay natagpuang bangkay at puno ng saksak ang katawan nitong weekend sa Catbalogan, Samar.
Ayon sa ulat, aabot sa 37 ang tinamong saksak ng biktimang si Margie Labagrel Monarba ng Purok-1, Silanga, Catbalogan City, at tindera ng gulay sa Catbalogan Public Market.
Kuwento ng live-in partner ng biktima na si Jomar Gadin, 4:00 ng madaling araw ng Sabado nang umalis ang kanyang misis para buksan ang tindahan nila sa palengke.
Kalaunan, sinabi ng nanay ng biktima na wala sa tindahan ang kaniyang anak.
Natagpuan ang bangkay ni Monarba Sabado ng hapon.
Ayon sa kapatid ng biktima, posibling ginahasa si Monarba dahil wala na itong damit nang matagpuan.
Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa krimen.