Advertisers

Advertisers

PH para-athletes kasado na sa Tokyo Paralympics

0 257

Advertisers

BUO ang loob at walang takot sina wheelchair racer Jerrold Mangliwan at discuss thrower Jeanette Aceveda na harapin ang mabibigat na kalaban sa kani-kanilang events sa World Paralympic Games dito.

“Ang umaaayaw ay hindi mag-wawagi. Kaya hindi tayo umaayaw,” Wika ni Mangliwan na tinamaan ng polio sa edad na dalawang taon.

“Kung titignan natin yong record nila (ang kalaban), malakas po sila. Pero malakas din po tayo,” buladas ni Aceveda kaugnay sa sintimyento ng kapwa niya atleta sa ginawang interview sa loob ng Athletes Village.



Alam ng mataas at matipuno na si Aceveda, nagwagi ng tatlong ginto sa 2013 ASEAN Para Games sa Naypyidaw, Myanmar, sa kahaharapin nitong pagsubok sa Tokyo Paralympics na suportado ng Philippine Sports Commission.

“Salang-sala na po yan sa bansang pinanggalingan nila so battle of the champions na po yan. Eh, hindi po tayo susuko,” Sambit ng 50-year-old na si Aceveda na ina ng tatlo at nanganagsiwa ng tatlong massages therapy clinics sa ibat ibang malls sa Marikina.



Unang sasabak sa laban si Mangliwan, nagsilbing Philippine contingent’s standard-bearer sa opening ceremonies sa Japan National Stadium ngayon Martes ng gabi, sa Biyernes sa T52 men’s 400-meter race, na may heats na nakatakda sa umaga at finals sa gabi.

Naniniwala ang coach nitong si Joel Deriada na ang 2016 Rio Para Games veteran ay kayang umabot sa finals ng isa sa tatlong events kung gagawin nito ng tama ang kanyang game plan.



“Nakita na namin yong record ng kalaban ni coach Joel kaya nakita namin may malaking pag-asa ako makapasok sa event na to,” ani Mangliwan. “Yun ang pinaka-goal ko is to make it to the finals po talaga. Kung makuha ko po yung goal ko na yon, all out na po doon.”

Ang iba pang event sa wheelchair racer ay ang men’s 1,500-meter race sa Sabado at ang 100-meter sprint. Sisimulan ang heats sa Sept. 2 at ang finals sa sumunod na araw.

Bali gusto din po natin makapasok sa finals. At siyempre po, manalo. Ibibigay namin yong best namin,” ani Aceveda na nagkaroon ng sakit sa edad na tatlo na nagresulta halos pagkabulag ng dalawang mata.

Magiging mahirap lang para sa discus thrower, base sa International Paralympic Committee at World Para rules, na kailangan itong piringan upang tuluyang isara ang kanyang mata at wala itong makikita para maging patas umano ang laban.

Mabuti na lang at may sapat na panahon si Aceveda na ihasa pa ang kanyang technique kasama si coach Bernard Buen dahil ang F11 women’s discus throw finals ay gagawin pa sa Aug. 31 sa Japan National Stadium.

Ayon sa dalawang atleta, kumportable sila sa kanilang tinitirahan at aprub umano ang pagkaing ibinibigay sa kanila sa two-story Athletes Village dining hall na bukas 24 hours para pagsilbihan ang mahigit 4,000 athletes at officials mula sa 163 bansa.

Sinabi ni Mangwilan na susubukan pa niyang sanayin ang sarili sa automated self-driving buses na umiikot sa loob ng Athletes Village. Ang galaw ng sasakyan ay minomonitor ng computers at video cams.

“Medyo magulo dahil walang driver pero masasanay rin kalaunan,” wika nito.