Advertisers

Advertisers

TEAM OWNER REP. CLAUDINE BAUTISTA LIM

0 498

Advertisers

ISINILANG si Rep. Claudine Bautista -Lim na heredera ng ‘buwena- familia’ mula sa katimugang lupain ng Pilipinas.

Gintong kurbyertos ‘ika nga ang nasa hapag-kainan.

Mula siya sa mayaman at tinitingalang BAUTISTA clan ng Davao Occidental sa Mindanao.



Ang kanyang ama ay Gobernador lang naman ng lalawigan at mahal ng buong sambayanan doon dahil sa serbisyo pangkabuhayan dulot ni Gov. Claude Bautista sa kanyang nasasakupan.

Negosyong nagbibigay ng hanapbuhay sa Davoeños, edukasyon, kalusugan, imprastraktura, katiwasayan, kasaganahan, aktibong mamamayan sa larangan ng kultura, sining at SPORTS ang tinatamasa ng masa sa liderato ng mayamang BAUTISTA.



Masuwerte ang mga kabataan ng lalawigan partikular sa larangan ng SPORTS na binigyan ng espesyal na atensiyon ni Gov.Claude katuwang si Binibining Claudine na may puso para sa mga batang Davao Occidental.Marami sa kanilang kabataan ang naging iskolar dahil sa sports at ang mahalaga ay nailihis sila sa masamang bisyo ng iligal na droga.

Mahal din ni Claudine ang sektor ng masa tulad ng kanyang malasakit sa mga nasa transportasyon kaya siya naging leader ng sektor ng mga tsuper sa kanilang rehiyon-ang DUMPER na kalaunan ay naging PartyList at siya ay naging Representante ng 17th Congress sa House of Representatives.



Itinatag din ni Gov.Claude ang basketball team na Davao Occidental Tigers sa amateur commercial league sa bansa na sinuportahan ng COCOLIFE sa corporate na aspeto.

Si Cong. Claudine na ang nagsilbing team owner ng Davao Occidental Tigers COCOLIFE na naging national champiom team sa MPBL.

Tunay na mayamang angkan ang mga BAUTISTA ng Davao Occidental at ang kanilang tinatamasang biyaya ay naiseserbisyo nila sa mamamayan.

Ang siste ay may mga elementong mga alagad ni ‘Taning ang nais pang manira sa tinitingalang reputasyon partikular kay Cong.Claudine.

Hindi naman taga- Davao at hindi nila alam ang pagiging buwena pamilya ng mga Bautista para paratangan ng mapanirang -puri sa taong di naman kilala.personal ng mga walang magawa sa buhay.

Kamakailan, ilang dilawang taga-showbiz (pa) ang nanirang -puri tungkol sa umano’y magarbong kasal ( kaya naman ng kanilang yaman) ni Cong. Claudine na kinainggitan ng mga baliw at laos nang artista ng nasibak ng higanteng TV network na bread and butter nila noon. Nagkataong isa si Cong.Claudine sa mga bumoto sa pagpapasara ng biased na istasyon.

Wala sa hulog ang paninira lalo ng isang etsos na talent na nag-akusang ginamit daw ni Cong.ang pondo ng Party List para sa bonggang kasalan na isang kabalintunaang gagawin ng isang mula sa mayamang angkan.

Isang seryosong akusasyon na walang batayan kaya ang mapanirang ‘tsong ay dapat managot at maghimas ng rehas dahil sa kanyang imbentong paratang..dapat lang!

Humanda ka ‘tsong,..DEE ka talaga tatantanan ni Cong. Claudine hangga’t di ka magdurusa sa iyong malisyosong kagagawan kasama ang iyong mga ka-EPAL. Lagot ka GOTS, POKS AT OGS… ABANGAN!!

***

Para sa reaksyon: #09199845253.