Advertisers

Advertisers

‘Ang Probinsyano’… Yassi masaya na si Julia ang huling pag-ibig ni Coco; Luis at Robi bet ‘patumbahin’ si Alex

0 271

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SOBRANG thankful si Robi Domingo dahil umabot na sa 900k ang kanyang subscribers sa kanyang YouTube channel.

Bet niyang umabot ng 1M subscribers kaya naman bukod sa suporta, humihingi rin siya ng suhestiyon sa kanyang followers kung paano pagbubutihin ang kanyang content.



Nag-react naman ang kanyang kaibigang si Luis Manzano sa kanyang tweet.

Ani Luis: “Ang importante lil bro… magsamasama lahat ng vloggers sa mundo, kahit di vloggers sumama… may kelangan tayo itumba na isa… ayoko pangalanan… basta A.G initials nya… masyadong sakim sa subscribers… planuhin na natin ang pagtumba… basta wag pangalanan si Cathy.”



Resbak naman ni Alex Gonzaga kay Luis:

“Hoy ulong hugis manggang hilaw wag ako.”



Depensa naman ni Luis kay Alex:

“Sinabi ko ba ikaw?!?!? Guilty?!? Ikaw lang ba AG na Cathy rin pangalan na vlogger sa mundo?!!?”

Sina Luis at Robi ay nagkaroon na ng collaboration sa iba’t ibang Youtubers pero never pa nilang nai-feature sa kanilang vlogs si Alex Gonzaga.

Matatandaang may hanash nga noon sina Luis at Robi na sana ay maka-collab nila si Alex pero tila hindi sila prayoridad ng dating PBB host.

Sa kasalukuyan, si Alex ay may 11.3M subscribers sa kanyang YouTube channel.

***

AYON kay Yassi Pressman, happy siya sa pagganap ni Julia Montes bilang “huling pag-ibig” ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Katunayan, na-excite raw siya nang malamang makakasama ni Coco ang rumored girlfriend sa nasabing aksyonserye.

“I’m so excited. Nu’ng nakita ko po ang teaser, sabi ko, ‘This is definitely a great move,” ani Yassi.

Sey pa niya, alam niya na marami na ring followers ni Julia ang nakaka-miss sa kanya na wish na makita ang kanilang idol sa telebisyon.

“Sigurado po ako na nami-miss ng mga tao si Julia Montes. Ang tagal-tagal n’ya pong nagpahinga siguro or…I don’t know what she did but I’m sure it was great for her,” paliwanag pa niya.

Si Yassi ay nakatakdang magbida sa Pinoy adaptation ng More Than Blue, ang Taiwanese romance drama na pinag-usapan sa 23rd Busan International Film Festival sa Korea.