Advertisers
Ni WALLY PERALTA
WALANG pag-uusapan pa kung galing lang naman pagdating sa akting ng aktor na si Paulo Avelino.
Halos lahat ng kanyang mga proyekto serye man o pelikula ay pinupuri ang kanyang pagiging aktor. At para kay Paulo, isang dahilan kung bakit nahasa ang kanyang acting skill ay ang pagtanggap niya ng mga proyektong hahamon sa kanyang kakayanan bilang isang aktor.
“I tried to look for something different all the time. If it’s violence that I’ve done before parang ayaw ko na gawin ‘yan, nagawa ko na. So, I look for something special that I could add to the character. ‘Yun naman ang laging reason ko when accepting a role,” ani Paulo.
Inamin din ng aktor na isa sa gustung-gusto niyang gawin ngayon ay ang role ng isang transgender. May nag-offer na raw sa kanyang gumawa ng ganung klaseng role at super excited na raw si Paulo na masimulan, pero sa kasawiang palad hindi nag-push through ang naturang project.
“It actually was for a couple of films pero hindi natuloy, sayang. But I wish I could like embody maybe a more consistent character for a whole film,” saad pa ng aktor.
***
TSIKANG tila may problema raw ngayon ang magsyotang Tom Rodriguez at Carla Abellana sa napipintong pagpapakasal nila sa darating na Oktubre. Wala namang cancellation pero tila malilipat sa ibang venue at date ang napagplanuhan na nila ni Carla na kasal at reception.
Taliwas ito sa mga naglalabasang tsika na kaya raw hindi matutuloy ang kasal ngayong Oktubre ay dahil masyado raw naging abala ang dalawa sa kanya-kanyang lock-in tapings, si Tom ay sa “The World Between Us” nila nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith, samantalang si Carla naman ay sa ‘To Have and To Hold’ nila nina Rhian Ramos at Rocco Nacino.
Aminado naman ang dalawa na talagang nagsasalisi ang kanilang lock-in taping kaya hindi nilang sabay na maasikaso ang kanilang kasal sa October pero sa online naman daw nila ginagawa ang preparasyon ng kasal.
“Four months lang dapat ‘yung lock-in tapings namin kaso ngayon with the ECQ, siyempre mas na-extend pa,” say ni Tom.
At dahil extended ang lock-in taping nilang dalawa, naapektuhan ang October 23 wedding date sana nila sa Madre de Dios Chapel sa Tagaytay Midlands.
“Meron tayong Taal Volcano scare, e doon mismo gaganapin ‘yung kasal ‘tsaka ‘yung reception. Ngayon meron tayong ECQ so we have to plan for the current protocols.
“Pero ako, I’m very, very hopeful. Nararamdaman ko talaga sa puso ko, mangyayari in His own time and at the same place. Kasi lahat ‘yun divined by Him,” dagdag pang say ni Tom.