Advertisers

Advertisers

Bagong pelikula ni Paolo Contis, trending!

0 304

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

IBA talaga ang karisma ng Kapuso actor na si Paolo Contis sa viewers! Sa unang araw pa lang ng bago niyang pelikula sa Netflix na ‘A Faraway Land’, agad na itong napasama sa ‘Top 10 in the Philippines’ list!

Umani na rin ito ng rave reviews mula sa netizens dahil sa natatanging pagganap ni Paolo bilang si Nico na lumipad sa Faroe Islands para gawan ng documentary ang Pinay na ikinasal sa isang Faroese. Ilan din sa mga kapwa celebrities niya ang nagpost tungkol dito, at isa na rito ang leading lady niya sa upcoming GMA series na ‘I Left My Heart in Sorsogon’ na si Heart Evangelista.



Last year, pinabilib din ni Paolo ang viewers sa mahusay niyang acting sa mga pelikulang ‘Through Night and Day’ at ‘Ang Pangarap Kong Holdap’ na inilabas na rin sa Netflix.

Congratulations, Kapuso!



***

Top 30 Clashers, ready na sa bakbakan sa The Clash Season 4



Inilabas na ang listahan ng mga masuwerteng tutuntong sa next round ng ika-apat na season ng all-original Filipino singing competition ng GMA Network na The Clash.

Matapos ang isinagawang auditions nitong mga nakaraang buwan, inanunsiyo na ng The Clash ang aspiring singers mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao na pasok sa Top 30 Clashers.

Excited na ang mga Kapuso na mapanood ang mas pinatindi at pina-level up na bakbakan ng Clashers sa bagong season ng The Clash.

Bukod sa performances ng Clashers, hindi rin dapat palagpasin ng viewers ang mga inihandang twists at surprises ng The Clash na hindi pa nakikita mula sa previous seasons nito.

Mapapanood pa rin sa The Clash Season 4 ang Clash Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, kasama ang Journey Hosts na sina Ken Chan at Rita Daniela.

Abangan din ang magiging pagkilatis ng The Clash Panel na sina Lani Misalucha, Christian Bautista, at Aiai Delas Alas.