Advertisers

Advertisers

Covid update: 13,573 bagong kaso; 15,820 gumaling; 228 patay

0 385

Advertisers

UMABOT sa 13,573 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, Agosto 25.

Samantala ay mayroon namang naitalang 15,820 na gumaling at 228 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.7% (125,378) ang aktibong kaso, 91.6% (1,725,218) na ang gumaling, at 1.73% (32,492) ang namatay.



Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 23, 2021 habang mayroong 7 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 7 labs na ito ay humigit kumulang 0.9% sa lahat ng samples na naitest at 1.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">